Lalaking sinundan ang runaway bride sa Spain, tampok sa 'Tadhana'
TADHANA presents
Ang INIWAN
August 18, 2018
Sabado, 3:15 pm
GMA 7

Hindi sinipot si Brent sa mismong araw ng kasal nila ng kanyang bride-to-be na si Maggie. Masakit kapag bigla kang iwan ng taong iyong minahal pero higit na mas masakit kung iwanan ka niya nang hindi mo alam ang dahilan. Kaya nang malamang nagtungo sa Madrid ang fiancée, iniwan ni Brent ang lahat at agad lumipad patungong Espanya para alamin ang dahilan.
Sa kanyang pagdating sa Espanya, pagtatagpuin muli si Brent at ang dating kaeskwela niyang si Angela na isang OFW sa Madrid. Si Angela ang tutulong kay Brent para hanapin si Maggie at alamin kung bakit nito nagawang iwan siya. Ang hindi inakala ni Brent, isang sorpresa ang matatagpuan niya. Mahanap kaya ni Brent si Maggie o isang bagong pag-ibig ang naghihintay sa kanya?
Alamin sa #TadhanaIniwan kasama sina Jason Abalos, Valeen Montenegro, Dianne Medina, Tanya Gomez, at Regine Tolentino ngayong Sabado, 3:15pm pagkatapos ng Contessa sa GMA 7.