Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Laundry, room renovation at urban planting tips, alamin!


HOME WORK
AIRING: AUGUST 6, 2020

EPISODE: 3

Simula noong lockdown, pansamantalang natigil ang mga taping ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez. Kaya naman ang kanyang drama, stay at home lang muna. At habang naka-quarantine, iba’t ibang pambahay skills ang kanyang na-unlock, kabilang na ang paglalaba ng damit.

So to say, Janine got her “hands wet”, So I kept stuffing the washing machine until it was super full. So, I was asking my mom, my mom is my help line when it comes to these matters. Ma, bakit parang hindi siya nalilinis nang maayos, bakit may natitirang stain? And then apparently, you are not supposed to stuff it until maximum capacity. So, didn’t know that.

 

 

 

Gamit ang suka, cornstarch, lemon at tubig, gagawa si Rovilson ng mga solution at mixture na pwedeng gamitin sa inyong paglalaba. Ilan lang ito sa mga simpleng bagay na pwedeng makita sa inyong mga tahanan.

 

 

Si Imma Globo, gustong ayusin ang kanyang maliit na kwarto pero dahil sa pandemic, wala siyang budget para dito. Room renovation pero no budget. Don’t worry! Sagot na ng Home Work ang budget-friendly tips sa pag-renovate ng inyong kwarto. Kasama si Johanna Faustino na isang interior designer, ituturo niya sa atin kung paano mas mapapaganda at maayos ang ating mga kwarto.

 

 

Payo pa ni Johanna Faustino kay Imma, isa sa pinakamadali at murang paraan sa pag-renovate ng kwarto ay ang mag-let go, “pag-aralan mo rin iyong mga gamit mo ngayon kasi baka nga sa sobrang dami na ng gamit mo, isipin mo rin na kailangan ko pa ba talaga siya? Baka pampakalat lang siya, dagdag sakit sa ulo mo. Dagdag lang sa occupy ng space sa kwarto mo.” Ano kaya ang kalalabasan ng room make-over ni Imma?

 


                               
Marami na rin ang naging member ng Plantito and Plantita club ngayong quarantine. Pero ang isa nating Kapuso, ginawang vegetable garden ang kanyang bubong! Noong magsimula ang Enhanced Community Quarantine noong Marso, umisip ng paraan si Arnel Dormiendo para magkaroon ng pagkakaabalahan at pagtatanim ang kanyang naisip. Sa ngayon, iba’t ibang halaman na ang kanyang napatubo. Ano kaya ang kanyang sikreto?

 

 

 

Tutukan ang mga ibabahagi namin hacks at tips sa usapin ng labada, room renovation at urban planting sa Home Work.

Huwebes, 8:30PM sa GMA News TV Channel 11.