ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Barbie Forteza, napaluha sa interview?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

HOME WORK
EPISODE 7
AIRING DATE: SEPTEMBER 3, 2020
HOME WORK FOR THE WEEK: ONLINE ACTING CLASS, DIY HOME WELLNESS AT DIY DISINFECTING

Lights, camera, action! Kahit quarantine, tuloy ang pag-arte ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza. Hindi niya pinalagpas ang pagkakataon na dumalo sa acting workshop ng nag-iisang “contradiva” ng Philippine showbiz industry na si Ms. Cherie Gil.

 

 

Tigil man sa mga taping, patuloy na hinasa ni Barbie ang kanyang acting skills, “Kaya lang parang sinabi ko wala akong nagawa ngayong quarantine na masasabi kong parang nagkabilang ako. Tapos parang perfect timing naman na nag-post si Ms. Cherie Gil na magko-conduct siya ng online acting master class. So sabi ko, what better way para matuto kung ‘di to learn than to learn from the best?”

Napasabak din si Rovilson sa #ActinganChallenge kasama si Barbie Forteza. Pasado naman kaya ang kanyang pag-arte?

 

 

Hindi rin nagpahuli si Tonipet sa online actingan. Dumalo naman siya sa isa sa mga online workshop ng Philippine Educational Theater Association. Malaking tulong ang ganitong mga workshop sa paghahasa ng ating mga talento kahit nasa bahay lang.

 

 

At kahit nasa bahay lang, hindi pa rin dapat natin nakalilimutan i-pamper ang ating mga sarili. Pwedeng-pwede pa ring maranasan ang spa-like treatment sa tulong ng mga DIY Foot and hand spa at DIY whole body massage.

 

 

Tulad na lang ng working-student at millennial mom na si Raquel Ortonero. Sa sobrang busy sa kanyang mga responsibilidad, hindi niya naging priority ang i-pamper ang sarili, “Noong nag-asawa na po ako bihira na mag ka-me time. Bihira na kasi hindi ako maluho. Kapag may gusto ako minsan nagbabago ang isip ko. Para sa mga anak na lang o sa mga bayarin. Mula magka-asawa ako parang isang beses lang ako nagpa-rebond”.

 

 

Kaya naman, katulong ang mga expert nating ka-tambahay, tuturuan ni Rovilson si Raquel ng mga DIY Home Wellness hacks para naman ma-enjoy niya ang kanyang “me time”.

 

 

Bihira na rin ang “me time” para sa couple frontliner mula Butuan na sina Patrolman Donald Balinton at Police Corporal Apple Balinton. Pagkatapos ng kanilang duty bilang mga pulis, diresto sila sa ginawa nilang decontamination booth para  masiguradong malinis sila bago pumasok sa kanilang bahay.

 

 

Ang kanilang anak na si Baby Zionne ay may congenital heart problem na maituturing na high risk sa COVID-19 kaya labis ang kanilang pag-iingat. Ayon kay Apple, “Huwag nating isipin ang iniisip ng iba. Iyong isipin mo ay kaligtasan mo ng pamilya mo. Kung mahal mo ang pamilya mo, gagawin mo ang lahat ng paraan na alam mo.”

 

 

Marami na sa ating mga Kapuso ang balik trabaho o kaya ay lumalabas para sa mga importanteng lakad. Kaya mahalaga na nadi-disinfect natin ang mga gamit at ang ating sarili bago pumasok sa bahay.

Ibabahagi rin ni Tonipet ang kanyang disinfecting routine lalo na kapag lumalabas siya dahil sa trabaho.

 

 

Mga Tambahay, sabay-sabay nating tutukan ang Home Work ngayong Huwebes, 8:30PM sa GMA News TV.