ADVERTISEMENT

Public Affairs

Doc Migs, may karibal na sa puso ni Sensen!

 

 

DR. KENNETH PAUL, MAGIGING KARIBAL NI DOC MIGS SA PUSO NI SENSEN

OWE MY LOVE WEEK 8: APRIL 5-9, 2021

 

 

Sa kabila ng pagtatapat nina Sensen (Lovi Poe) at Doc Migs (Benjamin Alves) ng kanilang nararamdaman para sa isa’t-isa, hindi pa rin mapanindigan ni Doc Migs na pumasok sa isang relasyon dahil sa nakaraan ng kaniyang mga magulang. Nasaktan man si Sensen, tuloy pa rin ang kaniyang pagiging caregiver at “fake wife” ni Doc Migs para sa kapakanan ni Lolo Badong (Leo Martinez). 

 

 

Perfect timing naman ang pagpasok ng bagong Head of Medical Services ng Centimos Hospital na si Dr. Kenneth Paul (Rocco Nacino) na orgmate noon ni Sensen at secret crush niya rin noong kolehiyo.

 

ADVERTISEMENT

 

Pilit mang ikaila ni Doc Migs, hindi niya mapipigilang magselos sa muling pagtatagpo ng dalawa na tila may mas malalim na pinagsamahan.

Hindi lang usaping pag-ibig ang haharapin ni Sensen at Doc Migs ngayong linggo dahil pilit din nilang sosolusyunan ang kani-kaniyang problema sa pamliya.

 

 

Muling aatakihin si Gwaps (Buboy Villar) sa puso dahil sa kagustuhan nitong makatulong sa pinansyal na problema ng kanilang kapamilya at para mapasaya ang kasintahang si Evs (Kiray Celis).

 

 

Magtatagpo naman si Doc Migs at ang kaniyang inang si Melissa (Gelli De Belen) na umabandona sa kanya noong bata pa siya. Ang kanilang pagkikita, susubok sa kakayahan niyang magpatawad.

 

 

Sa dami ng maititinding kaganapan at rebelasyon ngayong ika-walong linggo ng Owe My Love hind rin pahuhuli ang love triangle nina Vida (Ai-Ai Delas Alas) at Divina (Jackie Loy Blanco) dahil kay Doc Coops (Ryan Eigenmann) na pilit na nagpapa-talbugan para sa kaniyang atensyon.

Sundan ang mga kaabang-abang na pangyayari sa Owe My Love, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad. (30)