Iba’t ibang kuwento ng mga haligi ng tahanan itatampok sa On Record!
HALIGI NG TAHANAN

On Record
Airing Date: June 22, 2021
PATOK SA TIKTOK!
All out ang support ng isang ama sa kaniyang anak na out and proud! Panoorin ang patok na tandem ng mag-amang Nap Sr. at Nap Jr. na nagpatawa at nagpasayaw sa mga netizen sa TikTok. Ang TikTok account ni Nap Jr. ay mayroong two million followers.

VIRAL!
Viral naman online ang litrato ng isang ama habang nagtitinda ng mga gulay na nakalagay sa stroller habang karga ang sanggol na anak.
Alamin ang kuwento sa likod ng viral photo na ito.

#JabWellDone
Samantala, makalipas ang tatlong taon ay muling nakauwi ng bansa ang Overseas Filipino Worker na si Nestor Echague. Dahil pareho nang senior citizens ang mga magulang at may karamdaman ang kaniyang ama ay minabuti muna niyang huwag umuwi hanggat hindi pa siya nababakunahan. Noong Mayo ay naibsan ang pangungulila niya sa kaniyang mga magulang matapos makauwi nang fully vaccinated na.


FATHER’S DAY SURPRISE!
Isang sorpresa naman ang inihanda ng On Record para kay Oscar Oida.

Abangan ang mga kuwentong uukit ng ngiti at kukurot sa inyong puso sa On Record kasama sina Oscar Oida at Mav Gonzales ngayong Martes, 11:30 PM, pagkatapos ng Saksi.
ENGLISH VERSION
The episode features stories of fatherhood. One father works tirelessly to provide for his family. His hands are quite literally full. He carries his son on one arm while the other one pulls a stroller loaded with vegetables. Another dad shows his support to his gay son by joining him on his TikTok videos. A fully vaccinated OFW reunites with his ailing father. The program staff also pulls a Father’s Day surprise for first-time dad, Oscar Oida. Catch On Record every Tuesday at 11:30 PM on GMA.