Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
On Record

On Record, mapapanood na sa GTV simula ngayong October 26!


 

 
On Record
Airing Date: October 26, 2021

 

PINOY MUKBANG SA US

Patok sa TikTok ang Mukbang videos ng mag-asawang sina Lolo Johnny at Lola Lualhati Ignacio na nakatira ngayon sa California, USA. Sa kanilang edad na mahigit otsenta anyos ay game na game pa rin sila sa kainan. Tiyak na mabubusog ka hindi lang sa mga pagkaing kanilang nilalantakan kundi pati na rin sa kanilang masasayang kuwentuhan.

 

 

 

JEEPLOMA

Halos kasabay tumanda ng magkakapatid na Torres si Air Jordan, ang jeep na naging katuwang ng kanilang amang si Celso sa pagtataguyod ng kanilang pag-aaral. Matapos ang dalawampu’t apat na taong serbisyo, maiiba na ang ruta ng jeep. Ito na ba ang huling biyahe ng kanilang Air Jordan?

 


 

MESSAGE SENT…TO HEAVEN

Paano babangon kung hindi natuloy ang pagtahak sa forever dahil nawala ang isa? Tinapos ng isang trahedya ang pitong taong relasyon nina Camille at Benny. Nasawi si Benny habang nasa trabaho bilang pulis. Kahit nagdadalamhati ay patuloy nagpapakatatag si Camille. Sinasariwa niya ang mga alaala ni Benny sa walang-patid na pagpapadala ng mga mensahe sa Facebook account ng nobyo.

 

 
SHOOT THAT PENCIL

Sa challenge na ito, kailangang mai-shoot nina Oscar Oida at Mav Gonzales ang lapis na nakaipit sa gitna ng kanilang ilong at labi nang hindi nalalaglag ang isa pang lapis na nakaipit naman sa gitna ng kanilang baba at leeg. Dapat matapos ang challenge sa loob ng isang minuto. Ang matatalo ay kailangang kainin ang exotic dish na inihanda ng team.
 

 

Abangan ang mga kuwentong uukit ng ngiti at kukurot sa inyong puso sa On Record kasama sina Oscar Oida at Mav Gonzales ngayong Martes, 10:30 AM, sa GTV.

ENGLISH VERSION

Married couple Johnny, 83, and Lualhati Ignacio, 82, are no different from any other grandparents except they recently have gained popularity on Youtube with their Mukbang videos. They currently reside in California, USA.  They usually gorge on Filipino dishes prepared by their grandson.

A jeepney driver strived to send his children to college. His four children are now all professionals and are grateful for their parents' hard work. After more than two decades, the Torres family decided to retire the jeepney keys.

Camille Santos has been sending chat messages to her boyfriend Benny Bacurin --- seven months after he died. Still overwhelmed by grief over losing her boyfriend in March 2021 she keeps sending Facebook messages to cope with the loss.

Oscar Oida and Mav Gonzales engage in another fun game. Non-winner will have to eat an exotic dish.

Catch On Record every Tuesday at 10:30 AM on GTV.