Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga ilaw ng tahanan na umasenso sa kani-kanilang mga negosyo, kikilalanin sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado!


 


PERA PARAAN
November 20, 2021


Kilalanin ang mga ilaw ng tahanan na ngayo’y umaasenso na sa kani-kanilang mga negosyo!




 
Sa Lingayen, Pangasinan matatagpuan si Aling Fedilina. Halos apat na dekada na siyang nagbebenta ng ipinagmamalaki nilang bagoong isda. Papaano kaya nagawa ng single mom na ito buhayin ang kanyang pamilya sa pagtitinda ng bagoong isda? Matatakam din kayo sa iba’t ibang putahe kung saan bida ang bagoong!



Samantala, ang dating maybahay na si Pia, nagkaroon na rin ng negosyo dahil sa mga tirang ulam! Ang mga tirang ulam, sinubukan niyang ipalaman sa empanada. Nang magustuhan ito ng kanyang pamilya at mga kapitbahay, tuluyan na niyang ginawa itong negosyo. Sa ngayon, mayroon na siyang 27 flavors ng empanada!

 


 
Iba’t ibang flavor din ang naging sikreto ng peanut butter negosyo ni Venesa ng Cebu City. Akalain niyong nagsimula siya sa 3,000 pesos na puhunan pero ngayon libo-libo na ang kinikita sa bawat buwan? Umabot na rin sa maraming probinsiya ng Pilipinas ang kanyang mga peanut butter!

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan sa bago nating time slot tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!