Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sosyal Pero Mura, Pampainit na Malupit, at Kalamay ng Quezon, bibida sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado!


Pera Paraan
Sosyal Pero Mura, Pampainit na Malupit, at Kalamay ng Quezon
Date of Airing: May 28, 2022

Iba’t ibang matagumpay na negosyo ang tampok na naman sa Pera Paraan!

 

 

Kapag sosyal ang pagkain ibig sabihin ba ay mahal? Sa restaurant ni Grace na 1221, ang steak ginawa niyang abot-kaya. Ninety-nine hanggang 200 pesos lang ang kanyang sizzling sinigang steak at sizzling kaldereta steak. Nagsimula raw siya sa ihawan sa bangketa pero ngayo’y may tatlong branch na sila. Kumikita rin sila ng halos 300,000 pesos bawat buwan. Alamin kung paano niya nagagawang affordable ang mga pagkain nang hindi siya nalulugi!

 


Hindi rin malulugi ang mahihilig sa lugaw sa kainan ng pamilya ni Mark. Overflowing na ang sahog, nakatutuwa pa ang mga pangalan ng lugaw nila -- may Binibining Marikit, Hot Mama, Hot Papa at Mr. Bulalugaw. Ang mas masarap pa, tubong-lugaw daw ang kanilang kita! Paano kaya naging matagumpay ang simpleng negosyong ito?

 


Iba naman ang pakulo ni Rodrigo sa kilalang mga produkto ng Quezon na kalamay at pasulbot. Sa kanyang munting kainan, mayroon kayong matatanaw na magandang view at ang matutunghayan ang mismong paggawa ng kalamay at pasulbot! Dahil dito, mayroon silang halos 500 visitors bawat araw. Sinong mag-aakala na ang kalamay at pasulbot ang magkakaroon ng ganito kalaking interes?

 

 

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!