Mga negosyong palaban sa Luzon, Visayas at Mindanao sa 'Pera Paraan'!
Para sa ating anniversary special, dinayo natin ang mga negosyante na ibinida ang mga ipinagmamalaking putahe ng kanilang lugar.
Isang heirloom dish ang binebenta ni Nanay Cora. Sa edad na 72 years old, siya mismo ang namamalengke para sa kanyang mga sangkap. Ang hatid niya? Pansit Marilao! Ito ang hinahain ng pamilya niya sa Bulacan, pero nanganganib daw na wala nang magmamana nito. Ano kaya ang pagkakaiba ng pansit na ito sa ibang pansit? Ibabahagi kaya ni Nanay Cora ang sikreto ng paggawa nito?
Kapag lechon ang pinag-uusapan, nangunguna talaga riyan ang probinsiya ng Cebu. Sa Danao, Cebu, matatagpuan ang negosyo ng mag-asawang Jopet at Joy – ang paandar na lechon! Saan kayo nakakita ng lechonna itim? O kaya ay yung mala-ginto? Kakaiba man daw ang kanilang naging paandar, hindi naman daw naging madali ang pagsisimula nila dahil wala silang pampuhunan. Ang baboy nga, inuutang pa nila. Alamin kung papaano sila kumikita ngayon ng halos 20,000 pesos bawat araw!
1985 pa itinayo ni Paz ang kanyang munting kainan sa Davao City. Mga simpleng ulam lang ang binebenta niya rito pero naisipan ng kanyang anak na ibahin ang mga putahe para sa mga night shift. Dito nabuo ni Paz ang kanyang balbacua. Ito ang paboritong sabaw ng mga Davaoeño. At dahil dito ang simpleng kainan, naging 24/7 na at kumikita ng 80,000 pesos kada buwan.
Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!
