ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Iba't ibang pasyalan sa Pilipinas, pupuntahan ni Bea Binene sa 'Good News!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Fruit Food!
Ang mga prutas, hindi lang panghimagas, pwede ring ulam! Alamin kung paano pasasarapin ang lumpia gamit ang buko. Kakaibang linamnam naman ang hatid ng langka in curry sauce. Ang papaya na dating sa tinola lang bumibida, kikiliti sa inyong panlasa kasabay ng tilapia!


D-I-Y Know-How!
Laging good news ang pagkalinga sa kalikasan! Kaya misyon namin na mahanapan ng pakinabang ang patapon n'yong mga bagay. Ang sako na dating lalagyan ng bigas o harina, pwedeng gamitin sa pagpapaganda ng sofa. Ang mga lumang butones naman, magbibigay kulay sa luma n'yong kurtina. Pati ang domino tiles na hindi na nilalaro, bibida sa paggawa ng kakaibang orasan.

#TravelGoals
Dinggin ang tawag ng makakating paa; samahan si Good News Girl Bea sa biyaheng sariling atin. Sumabak sa extreme adventure sa Bataan at lumangoy sa malamig at malinis na falls ng Rizal. Kung ayaw n'yong  lumayo sa Manila, tumungo sa isang petting zoo sa Pasig, kung saan pwede rin mag-swimming at maligaw sa isang maze garden. Sa isang bike park sa Quezon City pwedeng mag-practice ng pagpadyak at bike stunts!



Ultimate Food Trip!
Masarap talaga kumain, mapa-solo flight man o may kasamang barkada. Kasama ni Maey Bautista, bibisita tayo sa isang cafe na ipinagmamalaki ang egg sandwich na may sari-saring international spices! Burger naman ang susunod nating lalantakan na bentahe ang tinapay nito na mala-rainbow ang kulay. Kung kasama naman ang buong barkada, pumunta na sa breakfast buffet--unli-kainan for only P99!