ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Good News

Zambales adventure at cooling tips for summer, tampok sa 'Good News'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: March 25, 2019

Busog sa Zambales!

Zambales food trip ang bagong adventure ni Bea Binene! Inumpisahan niya ito sa kakaibang dinuguan na sinangkapan ng bidang prutas sa Zambales--ang mangga. Sinundan 'to ng isa pang putahe na may winner combo--ang bagnet at labong. Ano kaya ang say ng ating Good News Girl sa mga natikman niya? Sinubukan niya ring gumawa ng tradisyonal na lalagyan ng asin sa munisipalidad ng Botolan. Pagkatapos, pumunta naman siya sa isang kainan sa Subic na binabalik-balikan ng mga parokyano. Dito niya iniluto at tinikman ang best-sellers tulad ng Pineapple Fried Rice at Tofu with Shitake Mushrooms!



Panalong Pipino!

Ang instant pampa-cool down na pipino, ginawan namin ng sari-saring mga luto. Umpisahan natin sa almusal, kung saan bumibida ang Pipino Egg Bites. Mahilig ba kayo sa Japanese food? Siguradong magugustuhan n'yo ang paandar naming Pipino Sushi! Ang masarap na sopas, aprub higupin ngayong tag-init--basta't singlamig ito ng aming Chilled Pipino Soup.



Cool Off Muna!

Kung nanlalagkit ngayong tag-init, sagot namin ang mga instant pampagaan ng pakiramdam! Alamin kung paano magagamit sa refreshing na paraan ang boteng plastic na mapanganib sa kalikasan. Pati ang  cooling body spray, pwedeng tayo mismo ang gumawa. At kung pinoproblema naman ang mga alagang aso, kami na rin ang bahala sa cooling tips para sa kanila!



Natatanging mga Kapuso!

Ang mga Kapuso nating may espesyal na pangangailangan, merong mga natatanging kakayahan. Para sa ilang may autism, hindi hadlang ang kondisyon para maipakita ang talento. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagtanghal sa teatro ang students with special needs na ikinagalak ng kanilang mga magulang. Ang celebrity mom naman na si Candy Pangilinan, ibabahagi rin ang special niyang role sa pinakamamahal na anak.



English Synopsis

Bea Binene returns to Zambales, not to indulge in extreme activities, but to sink her teeth into yummy treats. If you're feeling the heat this summer, we recommend practical ways for you to cool down.  The cool cucumber gets yummy makeovers with our unique recipes. For the first time, we watch a play held on the stage of a major theatre, starring children with special needs.