ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Good News

Quezon attractions at summer DIYs, ibibida sa ‘Good News’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: April 08, 2019

Quezon Attractions!

Biyaheng Quezon si Maey B! Bukod sa sand bar, natikman din niya ang kakaibang luto ng ostrich at isang native delicacy na ipinagmamalaki ng bayan ng Pagbilao.  Sa bayan ng Lucban, ipinagpatuloy ni Maey B ang kaniyang biyaheng Quezon sa pamamagitan ng isang spiritual journey. Pagkatapos akyatin ang higit sa isang daang hagdan, nakita niya ang imahen ni Hesus at ang Bundok Banahaw. Sa Tayabas naman, isang native delicacy ang naghihintay sa kaniya. Ito ang Pinais na sinangkapan ng hipon at niyog na alangan. Para sa nakabubusog na tinapay, ang Pinagong, tumungo si Maey sa Sariaya para alamin kung paano ito ginagawa.



Walang Kupas na Singkamas!

Ang singkamas na paborito nating summer snack, isasangkap natin sa all-time favorites natin! Umpisahan natin sa isang ulam na healthier version ng bistek--ang Fishstek con Singkamas. Pagdating naman sa dessert, maraming pwedeng gawin sa ating star ingredient. Nariyan ang Singkamas Pie, Singkamas Fruit Salad, at Singkamas Yema!



DIY Summer Wear!

Ang panrampa ngayong tag-init, hindi kailangang pagkagastusan. Gamit ang mga lumang damit, pwedeng makagawa ng mga bagong outfit. Ang maluwag na t-shirt, gagawin nating fashionable skirt. Meron ka bang napaglumaang spaghetti top? Sa kaunting paggupit at pananahi, ito'y magiging stylish top!



Lola Basa!

Walang pinipiling edad o sitwasyon ang edukasyon. Ito ang paniniwala ni Lola Adeilada na sa edad na 74 ay gustong gumaling sa pagbabasa at pagsusulat. Siya ang isinalang namin sa isang social experiment. Sa labas ng isang paaralan, kung saan maraming mga magulang ang naghihintay sa kanilang mga anak, meron kayang tutulong kay Lola na magbasa ng libro niya? Alamin kung sinu-sino ang may ginintuang puso.



English Synopsis

Maey B discovers an amazing sandbar in Quezon! You don't need to spend a lot in updating your summer wardrobe. Using old clothes, we're going to create stylish outfits.   We bring an elder who’s struggling to read outside the school filled with parents waiting for their children. Will anyone answer her plea to help her with reading?  We are also levelling up turnip with unique recipes in the Good News kitchen.