Lolang hirap mag-computer, may pag-asa pa ba?
GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: June 3, 2019
Gimik-Aralan!
Hindi lang mga library ang pwedeng tambayan ng mga estudyante para mag-review. Nadiskubre ni Maey B ang mga cool na cool na lugar na swak sa mga masisipag na mag-aaral. Mula sa isang study lounge na may mga kama at shower room, hanggang sa cafe slash library na tampok ang mga pagkaing pampatalas ng isipan, siguradong gaganahan ang mga estudyante sa kanilang schoolwork!




Back-to-School Organizers!
Dahil back to school na ang mga chikiting, magugulo na naman ang tahanan dahil sa nagkalat nilang school supplies. Para maiwasan ito, ituturo namin kung paano gumawa ng mga organizer na pinagbibidahan ng mga lumang bagay. Alamin kung paano mapapasainyo ang Pocket Frame Organizer, Used Bottle Frame Organizer, at Pentagon Bowl.




Educational Larga!
Kasama ang bibong estudyante, papasyalan ni Bea Binene ang mga lugar na nag-uumapaw sa kasiyahan at kaalaman. Sa isang play area, bida ang pagpapatalas ng creativity sa pamamagitan ng teknolohiya. Susugod din sila sa isang 3D museum tampok ang mga ipinagmamalaking lugar at cultural icon ng ating bansa.





Lola Estudyante!
Sa pinakahuli naming social experiment, kinasabwat namin ang isang lola na magpapanggap na gustong muling maging estudyante. Sa isang internet cafe, ipakikita niyang hindi siya marunong gumamit ng computer. Meron kayang magmamagandang loob na tumulong sa kaniya?



Panalo sa Pomelo!
Ang pomelo, inaabot daw ng walong taon bago mamunga, pero worth it naman ang tamis-asim nitong lasa. Ito ang dinala naman sa Good News Kusina para sa mga recipe na panalo sa sustansya kaya pwedeng ibaon ng kids ngayong pasukan. Umpisahan natin sa Japanese-inspired na Pomelo Soba Noodles. Lilipad naman sa sarap ang Chicken Wings with Pomelo Sauce. Pati ang balat ng pomelo, aariba sa Roasted Pork with Pomelo Pith.




English Synopsis
Learn how to make pomelo nutritious recipes at the Good News Kitchen. Maey B discovers study places that will inspire students to review. We'll teach how to make organizers using old and simple materials. Your child's school supplies will be kept in place. Bea Binene accompanies a young student to educational and fun places. In our latest social experiment, our accomplice is a grandmother who pretends to be applying for school. In an internet cafe, she makes it known that she's computer-illiterate. Will a kind and willing stranger help her out?