ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Quezon Quest,' tampok sa 'Good News'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES

September 9, 2019

Quezon Quest

Para sa buong araw na pamamasyal na kumpletos rekados sa masasarap na pagkain at magagandang tanawin, pasok ang probinsiya ng Quezon! Samahan si Maey B sa paglilibot sa isang hardin, kung saan pwedeng kainin ang mga bulaklak. Pagdating ng tanghalian, kamayan ang kaniyang drama sa isang kainan habang nakalublob ang mga paa niyang minamasahe ng mga isda. Sinundan niya ito ng isa pang food trip sa isang Balinese-inspired resort, kung saan niya tinikman ang Ginataang Kalabaw.

 

 

 

Dengue-t out!

Dahil sa dami ng kaso ng dengue ngayon, ibayong pag-iingat ang kailangan. Sabayan 'to ng mga DIY kontra-lamok tip na ibabahagi ni Love Anover. Alamin kung paano makagagawa ng sariling insect repellent at insecticide gamit ang mga sangkap na banayad sa kalusugan. Sa ganitong paraan, maitataboy n'yo ang mga pesteng lamok nang hindi nabubutas ang bulsa.

 

 

 

Araw-araw, Gabi!

Ang gabi na dating pang-laing at sinigang lang, nag-level up na ang linamnam. Tuloy po kayo sa Good News Kusina, kung saan iniluluto ang kakaibang mga putaheng pinagbibidahan ng gabi. Subukang gawin ang Chicken Teriyaki with Gabi, at ang Bicolano delicacies na Tinumok at Kaluko. Siguradong mabubuhayan ang inyong panlasa sa healthy dishes na 'to.

 

 

 

Pag-asa para sa Pag-asa ng Bayan

May mga estudyanteng nagtatrabaho para matupad ang pangarap na makatulong sa pamilya. Isa na rito si Cedrick na naglalako ng sampaguita. Dahil sa kaniyang kwento, isang social experiment ang aming isinagawa. Ang kasabwat namin, magpapanggap na estudyanteng nagbebenta ng sampaguita para may pambaon sa eskwela. Meron kayang matulunging pusong bibili sa kaniya?

 

 

 

Adobong Panalo

Ang adobo na tinaguriang pambansang ulam nating mga Pinoy, binigyan ng bagong bihis na kikiliti sa inyong panlasa. Game ba kayong tikman ang drama ng adobo meets seafood? 'Yan ang masarap na combo ng Adobo Bagnet with Taba ng Talangka. Kung mahilig naman kayo sa Japanese food, huwag palampasin ang linamnam ng Adobo Maki. Kung naghahanap naman ng pulutan, must-try ang Adobo Sausage.

 

 

 

English Synopsis

For a whole day of food and nature tripping, Maey B visits the province of Quezon.  The well-loved Pinoy classic Adobo is given yummy twists to intrigue your palate. Learn how to make your own mosquito repellent and insecticide, using ingredients that won't harm your health.  The versatile taro is not just for cooking laing or sinigang; it can also be used in a variety of dishes that are heavy on nutrition. Good News launches a social experiment, wherein our accomplice pretends to be a student trying to make ends meet by selling sampaguita leis. Will Good Samaritans help him out?