ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bea Binene, may nadiskubreng bagong paandar sa Laguna!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES

November 04, 2019

Ariba sa Laguna

Kilala ang Laguna sa buco pie, mga lawa, at birthplace ni Jose Rizal. Pero nadiskubre ni Bea Binene ang mga bago nitong paandar. Samahan siyang makipagchikahan sa mga hayop ng isang organic farm. Sa isang resort naman siya sumubok ng water activities at nanirahan sa bonggang houseboat. Gusto mo bang tikman ang heirloom recipes ng probinsya? Binisita ni Bea ang kainang dating ancestral home na naghahanda ng Minanok at Kinulob.

 

 

Labong-ga

Ang labong na karaniwang sangkap sa Asian cuisine, ating bibida sa mga putaheng swak sa panlasa. Subukan nang gawin ang labong menu na inihanda ng aming chef-Baked Bamboo Shoots, Stir-Fry Chicken with Bamboo Shoots, Bamboo Shoot Pork Soup, at Grilled Labong. Dahil siksik sa calcium, potassium at iron ang labong, masisiguro n'yo ang kalusugan at kabusugan ng inyong pamilya.

 

 

Naks, Snacks

Ang mga Pinoy daw, anim na beses kumain sa isang araw. Dahil mahalaga sa atin ang snacks sa umaga, tanghali at gabi, inalam ni Maey B ang mga pwedeng chibugin. Inumpisahan niya ang snack trip sa Ube Cheese-desal, ang pandesal na pinalamanan ng ube halaya at keso. Type mo ba ang unique lumpia? Subukan ang lumpia na may iba't ibang palaman gaya ng cheeseburger, taco beef, at longanisa. Para naman sa kakaibang burger experience, subukan ang burger na isinilid sa siopao bun.

 

 

Paalam, Mantsa

Ang mga mantsa, talaga namang pasakit sa mga naglalaba. Kaya sa tulong ng laundry expert, magbibigay si Love Anover ng mga tip kung paano matatanggal ang mantsa dulot ng pawis, bubble gum, at lumang dumi. Magugulat kayo sa mga solusyong pinagbibidahan ng baby shampoo, yelo, suka at iba pang mga karaniwang sangkap.

 

 

English Synopsis

Bea Binene is out to discover Laguna’s latest offerings. Because we like snacking anytime, Maey B sets out to discover unique munchies. We bring bamboo shoots to the Good News Kitchen to whip up amazing dishes. With the help of a laundry expert, Love Anover shares tips on removing stains caused by sweat, bubble gum and accumulated dirt. You'll be surprised at the tools we'll be using--baby shampoo, tube ice, vinegar, and other common household items.