ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bea Binene at Maey B., may farm tour!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES

November 11, 2019

Healthy Twist

Para mas maging healthy and mga paborito nating pagkain, pwede itong lagyan ng twist. Haimbawa ang Lumpiang Shanghai na pinasarap at pina-healthy ng yacon. Mahilig ka ba sa pansit? Subukan ang buco bilang noodles! Para sa leche flan na may dagdag-sustansya, sangkapan ito ng kalabasa. At ang champorado, kung gagamitan ng granola imbis na bigas, mas swak sa kalusugan.

 

 

Farm Fiesta

Dahil mayaman ang ating lupain, dadalhin tayon ni Bea Binene sa isang bonggang farm tour sa sari-saring probinsya. First stop ang Bulacan, kung saan natutunan niya kung gaano kahirap magtanim ng palay. Sa Quezon naman, binista ni Maey B ang isang mala-paraisong flower farm, kung saan patok mag-selfie! Para sa farm tour and food trip in one, punta na sa isang garden sa Antipolo na pinagbibidahan ng mga prutas na sariling atin, at mula sa ibang mga bansa.

 

 

Plastikan Time

Ang maling pagtapon ng mga gamit na plastic, sanhi ng pagbaha at polusyon. Kaya ang mga ito, 'wag munang idiretso sa basurahan, dahil gagamitin natin sila sa mga proyektong aprub ni Inang Kalikasan. Alamin kung paano gumawa ng pen holder mula sa mga  plastic cap, lampara mula sa mga plastic spoon, at organizer mula sa mga plastik na bote.

 

 

Beyond the Balat

Psoriasis, neurofibromatosis at vitiligo. Ang mga ito, ilan sa mga kondisyon na nagbibigay ng kakaibang hitsura sa balat, na bagamat hindi nakahahawa, ay pinandidirihan ng iba. Sa mga social experiment, isinalang namin ang aming mga kasabwat na magkukunwaring may mga ganitong skin condition. Dalawa sa kanila ang magtitinda ng kakanin, habang ang isa naman ay mag-a-apply ng trabaho. Anu-ano kaya ang aanihin nilang mga reaksyon?

English Synopsis

In the Good News kitchen, our favorite dishes get a healthy makeover. Because our land is rich and thriving, Bea Binene takes us on a grand farm tour in different provinces. In Quezon, Maey B visits a paradise teeming with flowers, where you can take unlimited selfies. Learn how to make a pen holder from plastic caps, a lamp from plastic spoons, and an organizer from plastic bottles. In various social experiments, we situate our accomplices who, with the help of prosthetics, will pretend to have these skin conditions. Two will sell rice cakes, while the other one applies for a job. What reactions will they get from their interactions?