ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Self-care tips ng Kapuso stars, alamin sa 'Good News'!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Good News Kasama si Vicky Morales
April 12, 2021

Kalabasa Recipes

Ang pampalinaw ng mata na kalabasa, malinaw ring umaariba sa kusina. Subukan ang kakaibang kalabasa recipes na magpapalusog sa pamilya. Pili na mula sa aming kalabasa menu: Kalabasa Corned Beef Nuggets, Kalabasa Fries, Maja Kalabasa at Kalabasa ice cream.



Quezon Delicacies

Magpakabusog sa Quezon delicacies nang hindi lumalabas sa Maynila. Natuklasan ni Maey B ang mga online seller na handog ang mga Quezon specialty, gaya ng tinumok na may pagkakahawig sa laing ng Bicol. Pati na rin ang nilupak, mabibili na online. Binigyan ito ng bagong bihis sa mga flavor na ube, pandan at chocolate.




Self-Care ng mga Artista!

Paano nga ba mapapangalagaan ang sarili ngayong pandemya? Hayaan n'yo ang kapuso stars ang magbigay sa inyo ng mga payo. Ibabahagi ni Barbie Forteza ang kanyang diet plan at workout routine, habang ipaliliwanag naman ni Solenn Heussaff ang kahalagahan ng pag-inom ng tubig. Marami pang ibang tips ang matututunan n'yo mula sa sari-saring celebrities.