Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Weird food combos, balot na pugo at Nueva Ecija larga, abangan sa 'Good News' ngayong Sabado!


 

 

Good News Kasama si Vicky Morales

March 05, 2022

 

Panalo sa Pugo!

Ang itlog ng pugo, hindi lang sa kwek-kwek at chop suey bumibida. Nakausap ni Love Añover ang ilang mga negosyante na puhunan ang pagkamalikhain gamit ang small but delectable na itlog. Mula sa balut at penoy versions ng itlog ng pugo, hanggang sa pugong siomai at iba pang mga putahe, siguradong maglalaway kayo sa linamnam na hatid ng egg-citing ingredient na ito.

Kakasa Ka Ba?: Weird Food Combos

Para sa latest Kakasa Ka Ba? challenge, may dalang mga roleta si Maey B. Sa bawat roleta, may mga nakalistang mga pagkain. Kaya 'pag sabay-sabay pinaikot ang mga ito, ang mga pagkaing natapat sa bawat roleta ang paghahaluin. Alamin kung sinu-sino ang kakasa sa challenge ng pag-ubos sa weird food combos tulad ng kimchi at condensed milk, chicken feet at peanut butter, at marami pang iba.

Nueva Ecija Larga

Sa latest pamamasyal natin sa Nueva Ecija, makakasama natin ang social media personality na si Carl Pascua. Dahil tubong-Nueva Ecija rin siya, ipapakita niya ang mga dapat bisitahin sa probinsyang ito. Samahan natin siya sa isang lake farm na swak sa mahihilig mag-camping. Lasapin naman ang farm life sa isang pasyalang may taniman ng cacao at mga gulay. Trip n'yo bang mag-time travel to the past? Tara sa isang kainang mukhang ancestral home. Ipagpapatuloy ng social media influencer na si Carl Pascua ang paglilibot sa probinsya. Inumpisahan niya ang food trip sa isang restaurant by the lake na pinagbibidahan ng floating cottages. Sa isa namang ecofarm, sinubukan niya ang zip bike, kung saan pumadyak siya sa ere.