ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

I Juander, bakit pugad ng kuwento tungkol sa mythical creatures ang bayan ni Juan?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

I Juander, bakit pugad ng kuwento tungkol sa mythical creatures ang bayan ni Juan? | March 02, 2016

Kung sa kakanluraning mga bansa, nagmula ang kuwento ng iba't ibang mythical creatures gaya ng bampira, bigfoot at chupacabra – may Pinoy version daw ang mga 'yan sa bayan ni Juan.Kasama ang Russian model na si Cindy, na siyang naging karibal noon ni Yaya Dub kay Alden sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, nagpunta ang I Juander team sa lalawigan ng Bicol. Ang mga taga-rito kasi, may mga kuwento tungkol sa iba't ibang mythical creatures. Gaya ng tinatawag nilang Tambaloslos at ang Angongolood, na maihahambing daw sa mailap na bigfoot ng North America.

Sa probinsya naman ng Quezon, mayroon tinatawag na Bal-Bal. Mala-aswang daw ang hitsura nito, na kumakain umano ng mga bangkay at mga taong may taning na ang buhay.

Samantalang sa Cebu naman – isang sigbin daw ang nahuli kamakailan lang. Ang nilalang na ito, mala-kambing daw ang hitsura at sumisipsip ng dugo mula sa kanyang mga biktima. Patunay kaya ito na ang ilan sa mythical creatures sa bayan ni Juan, hindi lang mababasa sa mga libro?

Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa pagtuklas sa mga nilalang na ito. Abangan 'yan sa I Juander ngayong Miyerkules alas-otso nang gabi sa GMA News TV.