Pagkahilig ni Juan sa mga karera, tampok sa 'I Juander'
Â

I JUANDER, BAKIT PATOK ANG KARERA SA BAYAN NI JUAN? SA 2015 US INTERNATIONAL FILM & VIDEO FESTIVAL SILVER SCREEN AWARDEE, I JUANDER! NGAYONG MIYERKULES, APRIL 06, 2016
Sukatan ng lakas, simpleng katuwaan o naiuugnay man sa pustahan--- basta't sa anumang uri ng karera, una-unahan lang 'yan!
Â

Dito sa bayan ni Juan, uso ang iba't ibang klase ng karera ng mga hayop. Ang mga kalabaw na katuwang sa pagsasaka sa bukid, aba'y may natatago rin palang bilis!
Ang mga kalapati naman na pakakawalan sa probinsya, nag-uunahan sa paglipad pabalik ng Maynila! Maski nga ang mga walang kasimbagal na suso â pinagkakarera rin!
Patok din sa loob at labas ng bansa ang karera ng mga sasakyan o yung tinatawag na motorsports. Pero sa Nueva Ecija, old school ang labanan. Ang uso kasi rito â karera ng balsa!
Bibida rin ang ilang mga Juan na sa kabila ng taglay nilang kapansanan, nagagawa pa rin nilang magtagumpay sa iba't-ibang karera, maging sa karera ng buhay.
Kaya mga ka-Juander, huwag nang magpahuli. Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa pagsagot sa tanong ni Juan:
âI Juander, bakit nga ba patok ang karera sa bayan ni Juan?â
Alamin ang kasagutan ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.