ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga pagkaing iba ang kahulugan ng pangalan, tampok sa 'iJuander'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

May mga pagkain na sa pangalan pa lang, talagang nakatatakam na. Pero ang iba naman – tila nakawawala raw ng gana?

Bukod sa karaniwang empanada at bagnet ng mga Ilocano – pambato rin daw nila ang Poqui-Poqui, Tataet at Kabatiti. Pero anu-ano nga ba ang mga putaheng ito? At saan kaya nagmula ang kanilang pangalan?

Sa Laguna naman, may panghimagas sila na kakaiba rin ang katawagan. I Juander, ano kaya ang pangunahing sangkap ng Ipot-Ipot at bakit ito ang napili nilang itawag dito? Gumising din sa sarap ng kanilang pambatong tinapay --- ang Pan de Uhog?!


Sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario – magtatagisan din ng husay sa pagluluto. Pero hindi lang lasa at presentasyon ang pinaglalabanan, kundi maging ang ipapangalan nila sa kanilang iluluto. Magwagi kaya ang Pogi Chicharon Tempura ni Cesar laban sa Tenderloin Chibog o TLC ni Susan?!


Sa mga putaheng ito, matatakam ka ba o mawawalan ng gana? Abangan 'yan sa I Juander, ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.

Tags: ijuander