Susan Enriquez at Cesar Apolinario, sasabak sa police training sa 'iJuander'
“To Serve and Protect.”
Ito ang sinumpaang tungkulin ng mga alagad ng kapulisan sa bayan ni Juan. Handang isakripisyo ang lahat, maski ang kanilang pamilya --- pati na rin ang sarili nilang buhay. Pero gaano nga ba kahirap ang pinagdadaanan ng mga gustong maging pulis sa bayan ni Juan?
_2016_08_03_10_55_28_0.jpg)
_2016_08_03_10_55_28_1.jpg)
Si Susan Enriquez, sasabak mismo sa training ng tinaguriang “Most Elite Group” ng Philippine National Police o PNP --- ang Special Action Force o SAF. Ano-ano kaya ang mga pagsasanay na naghihintay sa mga naghahangad na maging miyembro ng grupong ito?
_2016_08_03_10_55_28_3.jpg)
_2016_08_03_10_55_28_2.jpg)
At personal ding makakapanayam ni Susan ang kasalukuyang PNP Chief na si Ronald “Bato” Dela Rosa. Sa kabila ng kanyang “tigasing” imahe at bato-batong pangangatawan, si PNP Chief Dela Rosa, pusong bato rin pala. Alamin ang kuwento ng kanyang sakripisyo para lang makapaglingkod sa bayan.
_2016_08_03_10_55_28_4.jpg)
_2016_08_03_10_55_28_5.jpg)
Si Cesar Apolinario naman – susubukan ang mga training na pinagdadaanan ng mga kadeteng nasa PNPA o Philippine National Police Academy gaya ng Firearms Proficiency at Close Quarters Battle o QCB. Sa kabila ng hirap na kanilang pinagdadaanan, sapat nga ba ang sahod at benepisyo na kanilang nakukuha?
_2016_08_03_10_55_28_6.jpg)
_2016_08_03_10_55_28_7.jpg)