ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang pagsisikap ng mga atleta sa bayan ni Juan, tampok sa 'iJuander'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa wakas, makalipas ang dalawampung taon, isang Pilipino ang nakapag-uwi ng medalya sa kasalukuyang Rio Olympics. Si Hidilyn Diaz na nakakuha ng silver medal sa larangan ng weightlifting. Sa kanyang pagkakapanalo, masmabibigyan na nga ba ng suporta at atensyon ang mga atletang Pinoy?

Gaya sa kaso ni Daniella na sa edad na labintatlong taon --- gold medalist na sa sport na “shot put” sa Palarong Pambansa. Pero dahil walang kagamitan ang kanyang paaralan, niyog ang kanyang pinagpapa-praktisan. Nagsasanay din si Daniella sa sport na “javelin throw” gamit ang pinutol na kawayan.

Kilalanin din ang mga atletang Pinoy na sa kabila ng taglay nilang kondisyon – patuloy pa rin dinadala ang pangalan ng bansa sa larangan ng Paralympics. Si Adeline na isa rin powerlifter kagaya ni Hidilyn, nanalo ng bronze medal noong taong 2000 sa kabila ng pagkakaroon ng polio.

At si Jerric na bagama't walang mga kamay at paa, hindi naging hadlang para makasali siya sa Palarong Pambansa sa larangan ng swimming.

Pero sa kabila ng kanilang mga paghihirap at sakripisyo, bakit tila mailap pa rin ang gintong medalya sa bayan ni Juan? Hindi nga ba nabibigyan ng karampatang suporta ang mga atletang Pinoy? Yan ang aalamin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.