Trip to Jerusalem ngayong Miyerkules sa 'iJuander'
Sa nakalipas na limang taon, halos tatlong daang katanungan na ang nabigyang kasugatan ng programang I Juander. Kaya para sa aming espesyal na anibersaryo – pupuntahan nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang isang lugar na kadalasa'y nasa bucket list ng maraming Juan. Ang tinaguriang Lupang Pangako --- ang bansang Israel.

Literal nga silang nag-trip to Jerusalem para bisitahin ang Via Dolorasa na siyang nilakaran daw mismo ni Hesus noong pinasan niya ang krus. Pinasok din ng I Juander team ang sikretong mga lagusan na nasa ilalim ng lupa --- na bihira lang daw mapuntahan ng mga turista. Nabigyan din ang I Juander team ng pambihirang pagkakataon na pasukin ang mismong pinaglibingan ni Hesus.


Hindi na rin nila pinalagpas ang pagkakataong mag-swimming sa isa sa mga itinuturing na Seven Natural Wonders of the World --- ang Dead Sea. Anu-ano nga ba ang mga kuwentong nasusulat sa Bibliya tungkol dito? At I Juander, totoo kayang lumulutang sa Dead Sea maski ang hindi marunong lumangoy?!


At alam niyo ba, naiyak si Susan at Cesar nang pumasok sila sa Holy Sepulcher? Ito ang itinuturing na pinakabanal na lugar para sa mga Kristiyano, para malaman kung bakit, panoorin ang part 1 ng ika-limang taong anibersaryo ng I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.
