ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Summer honeymoon destination ni Juan, tampok sa 'I Juander!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong summer, hindi nga lang daw panahon ang tila naglalagablab sa init. Dahil puwede rin painitin ng ilang mga hot summer destinations ang malalamig na gabi ng mga bagong kasal at mag-asawa. I Juander, saan nga ba magandang mag-honeymoon ngayong summer?


Bilang isang wedding photographer at videographer, kung saan-saang lugar na rin nakarating si Ian Celis. Pero sila mismo ng kanyang asawang si Rhea, bihira naang makapag-travel. Kaya ngayon summer, sila naman daw ang mamamasyal sa tinaguriang Pangasinan's Romantic Paradise, ang Bolinao. Dito, may isang eco-tourism resort na pihadong ma-e-enjoy ng mga lovebirds. Sa bayan naman ng Bani, isang tanawin daw ang talagang pupusuan ng mga turista. Isang bato na tila ba inukit para maging hugis puso, literal na pusong bato!


Literal din na nanlamig ang unang gabi nina Nero at Kitty bilang mag-asawa. Ang kasal kasi nila, maski ang kanilang pre-nuptial photoshoot, inulan! Kaya may “take two” raw ang kanilang honeymoon, sa isang floating cottage sa Laguna. Mayroon din ditong glamping site kung saan puwedeng mag-dinner under the stars.


Pihadong lalanggamin ang mga magkasintahan sa iba't ibang mga summer honeymoon destination na ibibida nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario. Kaya tumutok sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV!


Tags: plug, ijuander, summer