ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga Pinoy sa Israel, kikilalanin sa 'I Juander'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa Biyahe ng iJuander sa Israel, nakipag-bonding sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa mga Pilipinong nakikipagsapalaran sa Lupang Pangako. Gaya ng labing anim na taong gulang na si Howie Danao na gumagawa ngayon ng pangalan sa larangan ng musika.


Tuklasin din ang iba pang yaman ng kasaysayan ng Israel, gaya ng bayan ng Ginosar kung saan nahukay ang isang bangka na mahigit dalawang libong taon na ang tanda. Posible nga kaya ang sumakay dito- mismong si Hesukristo?


Papasyalan din nina Susan at Cesar ang bayan ng Magdala kung saan isinilang at lumaki ang isa sa kilalang karakter sa bibliya na si Maria Magdalena.  Dito rin daw matatagpuan ang labi ng pinaka matandang synagogue sa buong Galilee. I Juander, totoo kayang dito mismo nangaral noon si Hesus?


At siyempre kapag nasa ibang bansa, hindi mawawala ang food trip at shopping! Ano-ano kayang mga pagkain ang pumatok sa panlasa nina Susan at Cesar? At ano nga ba ang paboritong ipampasalubong ng mga nanggagaling sa Israel?


Tumutok na sa Israel Special ng I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA NEWS TV!

Tags: plug, israel, ijuander