ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga kasambahay na naging parte na ng ating buhay, kilalanin sa 'I Juander!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Ang kanilang kasipagan, tila madalas na nasusuklian ng pagmamaltrato. At kahit pa serbisyo lang nila ang binabayaran, para bang nabili na rin ng kanilang pinapasukan maging ang kanilang pagkatao.


Gaya na lang sa akda ng yumaong manunulat at Pulitzer awardee na si Alex Tizon. Dito ikinuwento niya ang tungkol kay “Lola” Eudocia Tomas Pulido na nagsilbing alipin daw sa kanilang pamilya sa loob ng limampu't anim na taon. At ni minsan, hindi raw ito nakatanggap ng suweldo. Ang dating OFW na si Myrna, nakaranas din ng pang-aabuso nang mamasukan bilang domestic helper sa Middle East. Dinuduruan, hindi pinakakain at hindi pinapayagang umuwi ng Pilipinas.

Pero may mga namamasukan din naman na kung ituring ng kanilang amo – parte na ng kanilang pamilya. Gaya ni lola Pelang na hindi lang pinag-aral ng pinagsisilbihang pamilya kundi binigyan pa ng sariling bahay. Si nanay Andrea naman – katabi pang matulog ang kanyang amo at kamakailan lang ay sinurpresa pa ng kanyang mga alaga.



Kilalanin din ang naging katuwang ni Susan Enriquez sa pagpapalaki sa apong si Audry – ang kasambahay nilang si Lory.




Si Cesar Apolinario naman, sasailalim sa training na pinagdadaanan ng mga namamasukang kasambahay. Pumasa kaya siya sa hamong ito?

Ngayong Miyerkules, bida ang masisipag at matatapat na kasambahay sa I Juander. Abangan ang kani-kanilang mga kuwento, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.