Best of 2018 Special, ngayong Miyerkules sa 'iJuander'
BEST OF IJUANDER SPECIAL PART 2
December 26, 2018
Bago mag-hello 2019, babalikan muna nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang ilan sa mga pinaka tumatak na episode ng I Juander sa nagdaang taon.
Hindi lang isa kundi dalawang beses lumabas ng bansa ang I Juander sa taong 2018. Sa pagpunta nila ng bansang China, tinungo nina Susan at Cesar ang ilan sa mga pamosong atraksyon dito, inalam ang kulturang Tsino at siyempre hindi rin nila pinaglagpas ang pagkakataong tumikim ng authentic Chinese cuisine. Sa pagbisita naman nila sa bansang Malaysia, mga authentic na pagkaing Malay naman ang nilantakan ni Cesar.


Maliban sa K-Drama at K-Pop songs, patok na patok din sa taong 2018 ang Korean skincare. Kaya nga si Susan mismo, susubukan kung effective nga ba ang 10-Step Korean Skincare Routine. At dahil nga uso ang mga pampaganda, kumikitang kabuhayan ngayon ang pagiging beauty vlogger. Kilalanin si Anne Klutz na isang online influencer na kumikita lang naman ng daan-daang libong Piso at nakatatanggap pa ng sandamakmak na libreng produkto!


Balikan din ang dokumentaryo nilang sumukat sa pagbabayanihan ng mga taga-Sitio Linggawa sa bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur. Mula sa tuktok ng kabundukan, limang bundok ang kailangan akyatin ang kailangan tawirin, maibaba lang ang noo'y siyam na buwang buntis na si Elena, sakay ng isang duyang gawa sa kawayan at mga retaso ng lumang sleeping bag. Ang mga lalaki ng Sitio Linggawa, tulong-tulong na pagpasan kay Elena papuntang ospital, walang hinihintay na anumang kapalit.


Muling balikan ang mga kuwentong ito sa huling Miyerkules ng taong 2018. Tumutok sa I Juander alas-otso ng gabi sa GMA News TV.
ENGLISH
Before saying hello to 2019, Susan Enriquez and Cesar Apolinario will look back at the most memorable episode of I Juander in 2018.
I Juander was able to travel to two countries in 2018. When the team went to China, Susan and Cesar visited some tourist attractions, discovered the Chinese culture and tried out the authentic Chinese cuisine; while, Cesar did not pass the chance to try out authentic Malaysian cuisine in Malaysia.
Aside from K-Drama and K-Pop songs, Korean skincare is a hit in 2018. Susan personally checked if the 10-Step Korean Skincare Routine is effective. And while beauty product is a hit, beauty vlogger Anne Klutz, an online influencer is popular and lucrative in her field. She earns hundreds of thousands of pesos and receives free beauty products.
Let us look back at the inspiring story of the unity and concerted effort to help in Sitio Linggawa in the town of Sta. Cruz, Ilocos Sur. Nine-month pregnant Elena who lived at the top of the mountain needs to be transported for medical attention. Traversing five mountains, she will be carried by men in the community using bamboo hammock and a worn out sleeping bag. The men willingly do this with nothing in return.
Please watch I Juander on Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV!