Mga itinatagong yaman ng La Union, alamin sa 'i Juander'
i Juander, ano-ano ang mga tagong yaman ng La Union?
Mula sa naglalakihang mga alon, mayamang kultura at kasaysayan, pati na sa ipinagmamalaki nilang mga pagkain, talaga namang hindi mauubusan si Juan ng dahilan para bisitahin ang probinsya ng La Union.


Bagama't taga-La Union ang ama ni Cesar Apolinario, hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataong bisitahin ang pamosong Urbiztondo Beach sa bayan ng San Juan. Kaya ngayong the sun is out, dadayo siya sa tinaguriang “Surfing Capital of the North.” Masakyan kaya niya ang mga alon na umaabot ng sampung talampakan ang taas? Bisitahin din ang Bolikewkew sa bayan ng Burgos na maihahambing daw sa ganda ng Banaue Rice Terraces. Pati na ang Tangadan Falls sa bayan naman ng San Gabriel.


Bukod sa yaman ng kalikasan, isang yaman ng kasaysayan ang naibalik sa probinsya makalipas ang isandaan at labinlimang taon. Taong 1901 nang mapasakamay ng Estados Unidos ang San Pedro Bell, na apat na daang taon na ang tanda. At noon lang 2016, naibalik ito sa kanilang probinsya.
Hindi rin dapat palagpasing matikman ang mga ipinagmamalaking pagkain ng La Union gaya ng meriendang Ilokano na “patupat.” Ang dinengdeng at bulanglang naman na pawang mga lutong Ilokano rin, bibigyan ng bagong twist ng certified Ilokano Chef na si Eric.


Sumama sa La Union trip nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ngayong Miyerkules sa i Juander, alas-otso ng gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
i Juander, ano ang mga tagong yaman ng La Union?
English:
From the giant waves, their rich history and culture, to their popular foods, Juan should not miss visiting the province of La Union.
Cesar Apolinario’s father is from La Union, but he was not able to have a chance to visit Urbiztondo Beach in San Juan. And now that the sun is out, Cesar plans to visit the “Surfing Capital of the North”. Will he be able to stand in the surf board and glide in the giant waves? He will also visit Bolikewkew in the town of Burgos, that is similar to Banaue Rice Terraces, and swim in the cold waters of Tangadan Falls in the town of San Gabriel.
Aside from their natural resources, another treasure of the past has been brought back to the province after one hundred and fifteen years. Year 1901 when San Pedro Bell went to the hands of the Americans, year 2016 when the bell was returned to the province.
Do not miss the popular foods in La Union like their favourite snack called patupat. And even the popular Ilokano dishes dinengdeng and bulanglang will be given a new twist by Ilokano Chef Eric.
Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario in their La Union trip this Wednesday on I Juander, eight o’clok in the evening, as we answer the question:
i Juander, what are the hidden treasures of La Union?