ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'i Juander,' bakit nga ba malakas uminom si Juan?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bakit Malakas Uminom si Juan?
October 02, 2019


Pagkatapos ng maghapong pagbabanat ng buto, kapag may kasiyahan, o kapag may pinagdadaanan daw si Juan, saan pa nga ba nauuwi kundi sa mahaba-habang inuman.

Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization, bawat Pilipino ay kumukunsumo ng mahigit anim na litro ng alak kada taon. Kaya nga ika-siyam daw ang Pilipinas sa Asya pagdating sa mga bansang pinakamalakas kumonsumo ng alak.




Katunayan, sa iba't ibang parte ng bansa, may natatanging alak na matitikman. Gaya na lang ng poor man’s drink, ang lambanog ng Quezon. Laksoy o palm wine ang pinagmamalaki ng Mindanao samantalang basi ang sa Ilocos. Makiki-toast naman si Susan Enriquez sa pagtikim niya sa alak na gawa sa paborito niyang prutas na dragonfruit.


Nakatikim ka na ba ng alak na gawa sa bigas? Sa pag-akyat natin sa Benguet sa rehiyon ng Cordillera, ipapakita ng mag-asawang Marina at Marcelo ang paggawa ng tradisyunal na alak kung tawagin ay “tapuy.” Atin ding bisitahin ang isang apiary sa Muntinlupa kung saan hindi masasakit na tusok ng bubuyog ang gigising sa atin kundi ang ipinagmamalaki nilang honey wine!



Bahagi man ng kultura at siyang tunay na nakaugat sa pakikipagkaibigan at pakikisama ang alak, hindi naman maihihiwalay dito ang mga negatibong epekto kapag ika nga nila’y nasobrahan. Alamin ang kwento ni Abby Nadril na may sintomas ng Asian Flush Syndrome, at ang iba pang masamang epekto ng labis na pag-inom ng alak.

Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa isang mahaba-habang usapan ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, bakit malakas uminom si Juan?

English Synopsis

Nearly 10 million Filipinos are binge-drinkers, this means more than half of Pinoy adult population were found to be consuming large quantities of alcohol according to DOST-FNRI. I Juander’s episode “Is Juan a binge drinker?” answers the question as we feature the different faces of Filipinos in light of alcoholism in the country. The episode will also showcase the rich culture and industry of traditional and locally made alcoholic beverages from different regions in the country.