Iba't ibang simbolo at tradisyong iniuugnay sa dugo, alamin sa 'i Juander!'
I Juander, ano-ano ang mga simbolo at tradisyong iniuugnay sa dugo sa bayan ni Juan?
Kadalasan, sa katatakutan iniuugnay ang dugo. Pero sa kultura ni Juan, kadikit din pala ito ng ilang mga tradisyon at paniniwala.


Sa tuwing may ipinatatayong istruktura, nakaugalian na ng mga Pilipino ang pagpapadugo. Sa tradisyong ito, ginigilitan ang hayop saka ikakalat ang dugo nito sa pundasyon ng itinatayo. I Juander, bakit nga ba isinasagawa ang pagpapadugo? Ang mga mangingisda naman ng Roxas City sa Capiz, naniniwala na ang pagpapahid ng dugo ng itik sa mga bagong bangka, nakatutulong daw para makabingwit sila ng suwerte.
Kilalanin din ang mga artist na gumagamit ng dugo sa paglikha ng kanilang mga obra. Gaya ni Elito Circa na mas kilala sa bansag na “Amang Pintor.” Imbis na karaniwang pintura, sarili niyang dugo ang ginagamit niya sa pagpipinta.


Pero bukod sa mga tradisyon at paglikha ng mga obra, saan pa nga ba madalas na ginagamit ang dugo kundi sa pagluluto! At bukod sa dinuguan, isinasangkap din pala ito sa pagluluto ng longganisa. At siyempre, sa paboritong street food ng maraming Juan, ang betamax.


Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, ano-ano nga ba ang mga simbolo at tradisyong iniuugnay sa dugo sa bayan ni Juan?
English:
I Juander will tackle various tradition and culture in connection to using blood; such as pouring blood of animal before a structure is built, to an artist using blood as his medium in his paintings. Blood is also used in various dishes such as blood sausage, grilled blood and innards of meat with blood.