I Juander, ano-ano ang mga natatanging tradisyon ni Juan tuwing Pasko?
I JUANDER, ANO-ANO ANG MGA NATATANGING TRADISYON NI JUAN TUWING KAPASKUHAN?
DECEMBER 18, 2019
MIYERKULES, 8 PM SA GMA NEWS TV
Para malaman kung anu-ano ang mga natatanging tradisyon ni Juan tuwing panahon ng Kapaskuhan, unang tinungo ng I Juander ang isa sa mga probinsiyang buhay na buhay tuwing sasapit ng Pasko, ang Pampanga! Sikat ang Pampanga ngayon sa mga Giant Lantern pero alam n’yo bang may tradisyunal na parol noon ang mga Kapampangan na hugis isda? Ito ang tinatawag nilang Asan na ipinaparada tuwing Lubenas.
_3_2019_12_12_16_28_03_1.jpg)
Sa Sasmuan, Pampanga, taon-taong ipinagdiriwang ng mga deboto doon mula Disyembre hanggang Pista ng Tatlong Hari ang Kuraldal. Ang mga hiling ng mga deboto na magkaanak o di kaya’y gumaling sa malubhang sakit ay idinudulog kay Apung Lucia sa pamamagitan ng ritwal ng pagsayaw.
Sa Minalin, Pampanga naman, sa pagdiriwang nila ng Aguman Sanduk, ang bida, mga lalaking nagdadamit pambabae!

_5_2019_12_12_16_29_16_0.jpg)
Sa bayan ng Kawit, nagpapasiklaban ang bawat barangay sa pagdidisenyo at pagpaparada ng kani-kanilang mga makukulay na karosa, kaya naman ang iba, Oktubre pa lang ay naghahanda na!
_6_2019_12_12_16_29_16_1.jpg)
_7_2019_12_12_16_29_16_2.jpg)
Samahan natin magdiwang ng tatak Paskong Pinoy sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa ika-labing walo ng Disyembre, alas-otso ng gabi sa GMA News TV.
_8_2019_12_12_16_29_16_3.jpg)
The Philippines is well-known in celebrating the longest Christmas in the world. As early as September, Filipinos start to decorate their houses with dancing lights and lanterns. Most importantly, some parts of Luzon celebrate Christmas in different and unique ways. From the traditional fish lanterns in Pampanga to the double Christmas celebrations of the Rizalistas in Laguna, surely Filipinos have lots of colorful ways to celebrate Christmas. This week, join Susan Enriquez and Cesar Apolinario as they showcase the different Christmas traditions in the Philippines. Catch this episode on GMA News TV every Wednesday, at 8PM.