I Juander, gaano katatag ang pag-ibig ni Juan?
I JUANDER, GAANO KATATAG ANG PAG-IBIG NI JUAN?
FEBRUARY 5, 2020
MIYERKULES, 8 PM SA GMA NEWS TV
Ang tunay na pag-ibig, hindi nasusukat sa mararangyang regalo, mga lugar na napuntahan o maski sa tagal ng pinagsamahan. Kundi sa kung gaano katibay ang kanilang pagsasama – sa kabila ng mga hamong susubok sa kanilang pagmamahalan.
_1_2020_02_04_16_12_22_0.jpg)
_2_2020_02_04_16_12_22_1.jpg)
PWD o Persons With Disabilities sina Joel at Cristina. Pero hindi lang ito ang kanilang pagkakapareho, dahil pareho rin silang nakaranas ng kabiguan sa pag-ibig. Si Joel, pineperahan lang ng dati niyang kasintahan. Samantalang si Cristina, madalas na pinagbubuhatan ng kamay ng dating nobyo. Pareho man silang takot na umibig muli, nabuo pa rin ang pagmamahalan nina Joel at Cristina.
_3_2020_02_04_16_12_22_2.jpg)
_4_2020_02_04_16_12_22_3.jpg)
Dahil pinahihirapan ng sakit na colon cancer – ni hindi na magawa ni Darwin na bumangon sa kanyang kinahihigan. Pero gaano man kahirap ang kanyang kalagayan, nananatili sa kanyang tabi ang kabiyak na si Haide. Isinantabi ang pansariling mga pangarap, maalagaan lang sa araw-araw ang kanyang pinakamamahal.
_5_2020_02_04_16_12_22_4.jpg)
_6_2020_02_04_16_12_22_5.jpg)
Humanga at kiligin sa iba't-ibang kuwento ng tunay na pagmamahalan. Samahan si Susan Enriquez at tumutok sa I Juander ngayong Miyerkules, alas otso nang gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, gaano katatag ang pag-ibig ni Juan?
ENGLISH SYNOPSIS:
It is inevitable to feel pain and encounter problems when people are in a relationship. There are innumerable reasons that tear relationships apart. However, many people still believe that love will find its way -- “In sickness and in health”, “for better or for worse”, ‘til death do us part. This Wednesday, feel the love as Susan Enriquez discover how enduring Filipino love is on I Juander. This Wednesday, 8PM only at GMA News TV.