Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

I Juander, ano-ano ang mga bersyon ng pancit sa bayan ni Juan?


I JUANDER, ANO-ANO ANG MGA BERSYON NG PANSIT SA BAYAN NI JUAN?

Basta't may okasyon, always present sa hapag kainan ni Juan ang putaheng pampahaba raw ng buhay, ano pa kundi ang pansit. Ang pagluluto nito, nagkakatalo lang sa klase ng noodles na ginagamit at mga ilalagay na sahog.

Sa probinsya ng Cavite, matitikman ang dalawang klase ng pansit na paborito raw noon nina Emilio Aguinaldo at Dr. Jose Rizal, ang Pansit Henoy at Pansit Langlang. Sa isang friendly cook-off, alin kaya sa dalawa ang mas papatok sa panlasa ng nakararami?

Pero kung pansit lang naman ang paglalabanan, pahuhuli ba naman ang Batil Patung ng mga taga-Tuguegarao.

Ang tilapia, hindi lang pang-ulam, kundi puwede rin daw gawing noodles? Ito ang ikinabubuhay ng ilan sa mga residente ng Tabuk City sa Kalinga.

I Juander, may kinaibhan kaya ito sa karaniwang noodles lalo na pagdating sa lasa?

Para naman sa grupong Blink Squad na certified fans ng K-Pop group na Black Pink, ang titikman nila, ang black pansit at pink pansit!

Matakam ngayong Linggo kasama sina Susan Enriquez at Mark Salazar. Tumutok sa I Juander, 7:45 nang gabi sa GTV.

I Juander, ano-ano ang mga bersyon ng pansit sa bayan ni Juan?