Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Episode 2: Ang mga Monteverde



ILUSTRADO
Episode 2

Darating ang pamilya Mercado sa tahanan ni Jose Alberto, ang kapatid ni Donya Lolay (Eula Valdez). Sa pagtitipon, makikilala ang pamilya Monteverde, ang karibal at habang buhay na taga-usig ng pamilya Mercado. Makikilala ang biyudang si Donya Conchita Monteverde (Jacklyn Jose) na labis ang pagkamuhi sa mga indio. Sa episode na ito matutunghayan ang unang pagtikim ni Pepe sa pait ng pagkatalo sa isang labanan - ang pagkanta!
 
Subalit dito rin makikita ang kakaibang talinong ipinapakita ng ating bida, ang kagalingan sa akademikong larangan, ang pagkahilig sa mga humihingang pigura, at iba pa.
 
Sa huli’y magtatagpong muli si Pepe at Venchito - mukhang mauupakan si Pepe, lalaban kaya siya o pagpapasensyahan si Venchito (Sean Ross)?