Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Episode 4: Ang paglilitis kay Doña Lolay


ILUSTRADO
Episode 4
 
Paiigtingin ng episode na ito ang hakbangin ng pamilya Mercado upang maisalba ang ilaw ng tahanan. Makikita kung paano ang takbo ng bulok na sistema ng hustisya noong panahon ng Kastila. May kaibahan ba ito sa ngayon?
 
Sa kabila ng mga dagok sa buhay ay siya namang nagpapaibabaw si Pepe sa kanyang pag-aaral. Dadalhin si Pepe sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo. Bagong mundong kagagalawan kung saan ang lahat ng mag-aaral ay may sinasabi sa lipunan. Masasabing patas ang labanan. Makakayanan kaya ng ating bida ang istriktong mga guro habang malayo sa pamilya at dinaramdam ang pagkakakulong ng kanyang ina?