Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Episode 5: Ang unang pagtatagpo nina Pepe at Leonor


ILUSTRADO
Episode 5
 
Nakalaya na rin sa wakas si Donya Lolay, at binatilyo na si Pepe na gagampanan ng Kapuso heartthrob na si Alden Richards.
 
At sa kanyang pagbabakasyon sa Calamba ay matutunghayan ni Pepe ang engkwentro sa isang buwaya sa ilog. Tila ba ang pagtatagpong iyon sa buwaya ay nagbabadya sa unang patikim ng pagkawalang-awa ng mga guardiya sibil sa ating bida. Mapapahamak si Pepe dahil lamang sa hindi pagbigay pugay sa isang guardiya sibil.
 
Sa episode ding ito unang mararanasan ni Pepe ang tamis ng unang pag-ibig kay Leonor Rivera (Kylie Padilla), ang sinasabing tunay na pag-ibig ni Pepe. Pakikiligin tayo sa kanilang unang pagtatagpo, ang mga panakaw na pagsulyap-sulyap ng dalawang taong namumuo ang pagka-gusto sa isa’t isa.