Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Episode 6: Ang panliligaw ni Pepe



 
ILUSTRADO
 
Episode 6
October 27
 
Hindi makatulog. Hindi mapakali. Inspired! Tuluyan nang nabighani si Pepe kay Leonor. Kaya naman gagawa ng mga hakbangin si Pepe upang mapalapit sa kaniyang sinisinta. Subalit mabibigo si Pepe sa unang mga pagkakataon. Aabang-abang sa labas ng La Concordia, aasang may makukuhang impormasyon na bagay namang ipinagpanggap ni Eduardo, ang kaklase ni Pepe sa UST at isang aktibistang laban sa mga masasamang prayle. Sa patibong ni Eduardo ay mapapasama si Pepe sa isang sikretong pagpupulong. Subalit wala pa sa kamalayan ni Pepe ang umanib sa mga ganoong grupo.
 
Magbabakasyon si Pepe sa Calamba, mapapansin ng kanyang mga kapatid at ni Donya Lolay na tila umiibig na ang ating bida. Ang pinaka-ayaw niyang gawin — ang pagkanta, ay bagay na kaniyang pinagpraktisan kasama ang mag bibe. Para kay Pepe, kung gusto, may paraan!
 
Nakakatawa ang mga misadventures ni Pepe sa pagsusumikap na mapalapit kay Leonor, habang lingid sa kanyang kaalaman na unti-unti na rin palang nahuhulog ang loob ni Leonor sa kanya. Pasikreto ring inaalam ni Leonor ang tungkol sa katauhan ni Pepe.
 
Sa huli’y tutulong si Eduardo kay Pepe na mangharana kay Leonor. Magkakaroon ng pagkakataon ang dalawa na masarili ang isa’t isa. Ang mga malalagkit na pagtitinginan at matatamis na ngiti, subalit may bahid ng pagpapakipot, ay unti-uni nating masasaksihan.
 
Pauwi na si Pepe sa kaniyang boarding house na malapit sa tirahan nila Leonor. Labis ang kanyang kaligayahan, at habang naliliyo sa pag-ibig ay hindi niya mapapansin sa kalsada na may mga guardia sibil at isang tinyente. Pakiramdam ng mga iyon ay nabastos sila ng ating bida. Mapapahamak si Pepe nang gabi ding iyon.