Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Episode 9: Ang misyon ni Pepe


ILUSTRADO
Episode 9
October 30

Gradweyt na si Pepe, at siya namang kakausapin siya ni Paciano tungkol sa kaniya at ng samahan na papuntahin siya sa Espanya sa lalong madaling panahon. Minamatyagan na sila ng prayle at ng mga creole. Kapag nagtagal pa si Pepe sa bayan ay malamang tuluyan na siyang hindi makakalabas.
 
Magulo ang isip ni Pepe habang kinakausap siya ni Paciano. Sa huli’y mananaig ang kamalayang nasa tamang edad na siya at marami na siyang kayang gawin – handa na ang ating binatang bida. Papayag si Pepe, subalit ipapakiusap ni Paciano na walang makaka-alam sa kanyang pag-alis – kahit na sino, maliban sa mga samahan ng Ilustrado.
 
Magpapa-alam si Pepe kay Leonor na uuwi ng Calamba. Bibigyan siya ni Leonor ng locket na may putol ng kaniyang buhok. Isang remembrance.
 
Sa Calamba, minabuti ni Pepe na makapiling ang mga kapatid, ang kanilang mga magulang, ang kanyang Tiya Lina. Mangingibang bayan na si Pepe sa susunod na mga araw at mawawala sa piling ng mga mahal sa mahabang panahon, at hindi man lang niya masabihan ang mga iyon na siya’y aalis na. Pinipigilan ni Pepe ang kanyang damdamin. Kailangan masaya siya, kailangan na walang makakahalata sa kanyang palihim na pamama-alam.
 
Agad-agad na bibilhan ng tiket at nakahanda na ang kanyang pasaporte. Sasakay na siya sa barko na ilang gamit, pag-asa, at panulat ang kaniyang baon. Kakayanin kaya ni Pepe na magpaalam kay Leonor?
 
Magpapalam si Pepe sa bayang sinilangan nang may kabigatan ng kalooban. Habang lulan ng barko ay iguguhit niya ang dalampasigan ng Manila Bay. Ikaiiyak iyon ni Pepe. Ikaiiyak ng isang lalaking labis ang pagmamahal sa pamilya, sa kaniyang kasintahan, at sa kaniyang bayan.