ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Impostors facing charges pursued by Imbestigador
Episode on May 30, 2009 Saturday, 9:30 p.m. This Saturday, impostors will be hounded by Imbestigador. After Sumbungan ng Bayan received complaints against these swindlers, Imbestigadorâs Mike Enriquez immediately took action. Agents of Fake Titles Hectares of land in Capas, Tarlac distributed to people. In exchange for P500 notarial fee, you may get the Certificate of Occupancy. This means you may use three hectares in Hermogenes Rodriguez Estate in Capas, Tarlac. If you want to visit the land, you need to recruit 20 or more applicants who each have to pay P500. Once the collection reaches millions, only then can you get the land title. Ex-President Ferdinand Marcos allegedly supported this scheme of land distribution. What is the real color of the agents of these lands? Will they be supported by the Marcos family? Who are the real owners of these lands? Fake Lawyer Jose, a businessman, is one of many who sought the services of a certain Atty Rodelio. Jose was impressed after his driver, who figured in a collision, was released from jail and the impounded truck released. However, the lawyer is said to demand excessive payments for services - more than P200 thousand. For a land dispute case, the said lawyer demanded P100 thousand from a certain pastor Jun. They are but two of the many clients of Attorney. It is said that Jose just got lucky because the case of Attorneyâs other client has not progressed at all. Upon character investigation of attorney, it was discovered that he does not belong to the official list of lawyers from the Supreme Court. The swindled clients approached authortities as well as Imbestigador for assistance. The masquerading lawyer will be facing the court and Imbestigador! Donât miss how these impostors will be uncovered this Saturday in Imbestigador after Kapuso Mo Jessica Soho on GMA.
Ngayong Sabado, may mga impostor na tutugisin ng Imbestigador. Matapos matanggap ng Sumbungan ng Bayan ang mga reklamo laban sa mga taong nagpapanggap para makapanloko, agad kumilos ang Imbestigador ni Mike Enriquez. Ahente ng Pekeng Titulo May ekta-ektaryang lupa sa Capas, Tarlac na ipinamumudmod daw sa mga tao. Kapalit ng P500 bayad sa notaryo, makukuha mo na agad ang Certificate of Occupancy. Ibig daw sabihin may karapatan ka nang gumamit ng tatlong ektaryang lupain sa Hermogenes Rodriguez Estate sa Capas, Tarlac. Kung gusto mong bisitahin ang lupain, kailangang magrecruit ka ng 20 o mahigit pang aplikante na dapat ding magbayad ng P500. Kapag umabot na raw ng milyones ang makokolekta saka maibibigay ang titulo ng lupa. Suportado raw noon ng namayapang pangulong Ferdinand Marcos ang pamimigay ng lupaing ito. Ano nga ba ang ang totoong kulay ng mga taong nag-aahente ng lupaing ito. Susuportahan kaya sila ng pamilya Marcos? Sino nga ba ang totoong may-ari ng lupaing ito? Pekeng Abugado Kabilang ang negosyanteng si Jose sa mga kumuha ng serbisyo ng nagpakilalang si Atty. Rodelio. Bumilib si Jose matapos daw mapalaya ang kanyang driver na nakasagasa at nabawi ang na-impound na trak. Pero de kampanilya raw kung maningil si attorney. Mahigit P200 libo ang singil niya. Sa isang pastor, na si Jun, mahigit P100 libo naman ang siningil daw ni attorney para sa hinawakang kaso sa lupa. Dalawa lamang sila sa mga naging kliyente ni âattorney". Pero tsamba lang daw pala ang nangyari kay Jose, dahil ang isa pang mga kliyente ni attorney, hindi umusad ang mga kaso. Nang imbestigahan ang katauhan ni attorney, doon na nalamang wala sa opisyal na talaaan ng mga abugado sa Supreme Court si attorney. Kaya humingi na ng tulong sa otoridad at Imbestigador ang mga napeke niya. Ang nagpapanggap na abugado haharap na sa hukuman at Imbestigador! Huwag palalampasin ang pambibisto sa mga impostor ngayong Sabado sa Imbestigador pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA.

Tags: imbestigador
More Videos
Most Popular