ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

IMBESTIGASYON SA ELEKSYON!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on May 8, 2010 Saturday after Imbestigador Kumpleto sa maaksyong plataporma ang nangungunang Sumbungan ng Bayan, kasama si Mike Enriquez at ang buong tiket ng Imbestigador! Dahil dalawang araw bago ang kauna-unahang poll automation, may mga propaganda pang bubusisiin at katotohanang uungkatin. Ang line-up ng mga istoryang sagot sa mga abusado at manloloko… Survey firms, mali raw sa pagtantya ng susunod na pangulo. Samahang puro salita, kulang naman sa gawa. At mga kandidatong nanliligaw, sinu-sino nga ba ang pasaway? Ispiritu Pangulo Para raw mabiyayaan ng isang milyong pisong grasya, kailangang magpa-miyembro sa grupong Philippines on Constitutional Provisions Service Association ang sinumang nananampalataya. Isang identification card lang daw ang susi sa buhay-milyonaryo na may instant pabahay, libreng pagkain pati bayad sa kuryente. Pero ang siste, noong proclamation rally na bago pa man maganap ang pampanguluhang eleksyon, hindi sila sinipot ng bagong pangulo kuno na si Salvador de Corazon! Maiahon pa kaya sila sa kahirapan gayong naging invisible pala ang inaasahan nilang lider ng bagong republika? Partido Pangako Diskwento sa pampasaherong sasakyan, restawran, botika at iba pang establisimyento. Dagdag pa diyan ang proteksyon sa anumang pwedeng kaharaping asunto. Lahat daw iyan nasa isang all-in-one identification card na binabayaran ng mga miyembro ng grupong Filipino Alliance Movement Support Group o FAMSG. Ang pangako nila sa mga nagbabayad na kasapi, mga benepisyong parang crony ng mga pulitiko! Mula kasi Malakanyang hanggang kapulisan, protektado ang mga miyembro! Pero nang magkabukuhan na, mga walang kwentang pangako lang pala ang kanilang napala. At ang promotor pa ng ganito umanong panloloko, tumatakbong mayor ng isang lungsod sa Metro Manila. Ang pag-aresto sa mga dapat managot, kaabang-abang at maaksyon. Itaga ninyo pa sa bato! Pasaway na mga Politiko Ang mga tumatakbo sa iba’t-ibang pwesto, para raw manliligaw kung umasta para lang makasungkit ng boto. Wala sanang masama kung may maganda silang hangarin sakaling manalo. Pero kung sa panunuyo pa lang, pasaway na, aba’y ano pa kaya ang aasahan natin sa mga tulad nila sakaling ibigay na natin ang matamis nating ‘oo’? Ang iba’t-ibang bulok na style ng mga kandidato, ibubuko! Iyan at iba pang panalong istorya ngayong Sabado sa Imbestigador, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!