ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"Ghost Employees sa Quezon City at Mga Tulak ng Shabu sa Pasay City"
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on December 18, 2010 Saturday after Kapuso Mo, Jessica Soho! Ang Quezon City ang pinakamayamang siyudad sa Pilipinas. Halos 10 bilyong piso ang naiulat na kabuuang kita ng pamahalaang lungsod sa loob ng isang taon. Pero nabisto ng Imbestigador na sa listahan ng mga empleyado ng mga konsehal ng siyudad, may mga kaduda-dudang pangalan! Kaya binusisi ng Imbestigador ang mga dokumento at hinanap ang mga nakatalang empleyado. Sa listahan ng mga taong sumusuweldo, may magkaibang pangalan at tirahan pero iisa ang mukha sa larawan. May iba't ibang tao na pare-pareho ang lagda at maaaring iisang tao lang ang pumirma ayon sa handwriting expert. May mga empleyado naman sa listahan na hindi taga-Quezon City. May mga totoong pangalan sa listahan pero hindi naman daw nagtatrabaho o nakakatanggap ng suweldo mula sa City Hall. Kasama ang ilan sa mga diumano'y nagagamit ang pangalan sa kalokohan, hinarap ng Imbestigador ang mga opisyal ng City Hall! Pagkatapos ay dumiretso sa tanggapan ng Ombudsman ang mga nadehadong tao para maghain ng reklamo. Ano kaya ang magiging resulta ng pagbubulgar na ito? Tampok din ng Imbestigador ang maaaksyong ekena ng paglusob sa kuta ng mga tulak ng shabu sa Pasay City na isinagawa ng PDEA. Sorpresa ang ginawang operasyon dahil pinangangambahang makakatakas ang tatlong pangunahing suspek at maitapon nila ang mga itinatagong ebidensiya. Ikinagulat ng buong raiding team ang mga natuklasan sa kuta ng mga pinaghihinalaang tulak. Huwag palalampasin ang mga pasabog na kuwentong ito ngayong Sabado ng gabi sa Imbestigador , pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.
More Videos
Most Popular