ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

OPLAN: PARAK BATAK!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on January 15, 2011 Saturday after Kapuso Mo, Jessica Soho
OPLAN: PARAK BATAK! MGA PULIS, HULI SA AKTONG GUMAGAMIT NG SHABU! IMBESTIGADOR SPECIAL, JANUARY 15, 2011
Halos pitong taon na ang nakararaan nang maibunyag ng Imbestigador ang tungkol sa isang dating alagad ng batas na huling-huli sa akto ng paggamit ng ilegal na droga. Dahil sa istoryang ito, nagkaroon ng malawakang drug test sa mga miyembro ng Philippine National Police. Ngayong Sabado, isang nakagugulat na pagbubunyag ang muling pasasabugin ng Imbestigador! Sa muli ng pagkakataon, huli sa kamera ng Imbestigador ang hindi lang isa, kundi dalawang pulis sa akto ng paghithit ng ipinagbabawal na shabu! At ang iligal na gawain na ito ay ginawa nila habang suot ang kanilang uniporme! Personal na humingi ng tugon si Mike Enriquez sa mga opisyal ng mga inirereklamong pulis. Ang resulta, isang sorpresang drug test at inspeksyon ang isinagawa sa presinto ng Kalookan at Bulacan! Sa mga lugar na ito nakatalaga ang mga pulis na naaktuhan ng Imbestigador na gumagamit ng droga. Ilang beses nang naging laman ng balita ang kabi-kabilang pagbatikos ang liderato ng pulisya dahil sa pagkakadawit ng ilan sa kanilang mga tauhan sa mga anomalya at reklamo. Pero ang nakababahala, marami man sa mga tapat na alagad ng batas ang nag-aangat sa institusyon ng kapulisan, may ilan pa rin na sumisira sa kanilang hanay. Ang mga kamay ng ating kapulisan, susi pa nga ba sa kaligtasan, katarungang kailangan ng mga walang laban nating kababayan? Paano nila maipapatupad ang batas kung sila mismo ang sumusuway rito? Abangan ang espesyal na pagsusuri at aksyon ni Mike Enriquez sa mga tinaguriang "PARAK BATAK", ngayong Sabado sa Imbestigador , pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7.