ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagtugis sa gang ng gun runners at pushers sa 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
IMBESTIGADOR Airing date: February 4, 2012   SPECIAL DELIVERY   Isang impormante ang lumapit sa IMBESTIGADOR SUMBUNGAN NG BAYAN para isumbong ang umano’y talamak na bentahan ng laman sa bayan ng Sta. Rosa sa Laguna.  Kuwentong impormante, karamihan daw na kinakalakal  na babae  ay mga menor de edad.  At para  umiwas sa huli , kadalasan sa pamamagitan lang ng pag text o tawag, ang mga kababaihan ay idine-deliver na sa mga parokyano.   Agad na nag-surveillance Women and Children Protection Desk o WCPD ng CIDG kasama ang  IMBESTIGADOR, at dito nakumpirma na may mga nilalakong dise-sais anyos na mg babae.  Sa pamamagitan ng isang entrapment operation,  tutuldukan  ng otoridad ang iligal na special delivery service na ito!     US VISA   Isang sumbong mula sa Embahada ng America ang nakarating sa Task Force Against Illegal Recruitment ng Criminal Investigation Group o CIDG at IMBESTIGADOR. Nababahala na kasi ang US Embassy sa dami ng kanilang aplikante ng visa na nagsusumite ng mga umano’y pekeng dokumento mula sa isang visa consultancy office.   Sa pagmamanman ng IMBESTIGADOR, nalaman na ang visa consultancy pala ay nauuwi sa recruitment ng Caregivers!  At pangako ng nasabing opisina, may experience man o wala, siguradong makakaalis  daw papuntang US ang kanilang mga aplikante. Ang kaso, marami sa kanila ang umuuwing luhaan matapos i-deny ang kanilang visa application at tila naperahan lamang sila ng naturang agency.    KAPATIRAN   Isang grupo o gang  ang kinatatakutan daw ng mga residente ng Pio Del Pilar sa Makati. Kung dati raw kasi ay sa petty crimes lang nasasangkot ang ilang miyembro ng Suburbian Trivian Brotherhood o STB,  ngayon, sangkot na rin ang ilan sa kanila sa ibat-ibang iligal na gawain tulad ng gun running at droga.   Sa pamamagitan ng isang operasyon ng mga otoridad, magkakaalaman na kung totoo ngang  may ginagawang  krimen ang ilang miyembero ng grupong STB.  Abangan!      ‘Yan at iba pang reklamo ng panloloko, tutukan ngayong Sabado sa IMBESTIGADOR.
Tags: plug