Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Infographic: Mga benepisyo ng mga senior citizen sa Pilipinas


Noong nakaraang Sabado, ibinisto ng programang "Imbestigador" ang 'di pagbibigay ng 20 porsyentong Senior Citizen discount ng ilang maliliit na botika. Giit ng mga may-ari ng nahuling botika, malulugi raw ang kanilang negosyo kapag nagbigay pa sila ng diskwento sa mga gamot, gayong ibinebenta na nila ang mga ito sa murang halaga. Ngunit nakasaad sa Republic Act 9994, o ang Expanded Senior Citizens' Act of 2010, na ang diskwentong ito ay kasama sa ilang benepisyong matatanggap ng mga Senior Citizen, o mga residente ng Pilipinas na may edad 60 pataas. Sa infographic na ito, makikita ang ilang benepisyong maaring matanggap ng mga Senior Citizen ayon sa nakasaad sa batas. — Candice Montenegro, GMA News