ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Terror Teacher at Presong Gala, bistado ng 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Imbestigador
Airing Date: September 29, 2013



TEACHER TERROR?
 
 
Pamamalo, pananabunot, pamumukpok, pagpapakain ng basura, paninigaw. Ilan lamang ito sa mga kumalat na video kaugnay ng pananakit ng ilang guro sa mga estudyante. Dahil sa nangyari, matindi ang naging epekto nito sa ilang mag-aaral. May mga natakot nang pumasok pa sa eskuwela, may napilitang tumigil sa pag-aaral at may mga patuloy na nagpapagamot dahil sa insidente. Paano tinutugunan ng mga otoridad ang isyung ito?
 
PRESONG GALA?
 
 
Nakakatambay, nakakapasyal, nakakagala. Isang akusadong nahaharap sa patong-patong na kaso pero malayang labas-masok sa presinto. Sa camera ng Imbestigador, huling-huli ang mga galaw ng akusadong malayo sa buhay ng isang preso. May katotohanan kaya ang alegasyong malapit siya sa ilang alagad ng batas kaya animo’y Very Important Preso siya kung ituring?   
 
Huwag palampasin ang  Imbestigador ngayong Linggo sa GMA 7 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!