Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga kuwento ng kababalaghan, iimbestigahan!


Imbestigador Undas Special
November 3, 2013
9:15 pm




SUICIDE BUILDING?
Isang matandang gusali sa lungsod ng Taguig ang isa sa mga tila huling takbuhan ng ilang nababagabag ang kalooban. Pero hindi para humingi ng saklolo o humiling ng milagro, kundi para kitilin ang sarili nilang buhay. Sinasabing ang mga taong inabutan ng depresyon ay pinili umanong gawing huling hantungan ang pitong palapag na tenement sa Taguig. Bukod sa mga nakababahalang kuwento ng pagpapatiwakal, samu’t saring karanasan ng kababalaghan din daw ang nananatiling palaisipan. May kinalaman kaya sa mga kamatayan ang lagim na bumabalot sa gusaling ito?

 
MISTERYO SA PUENTE DE DIABLO
Sa isang lugar sa Rizal matatagpuan ang isang sinasabing nakapangingilabot na isla—ang Puente de Diablo. Maraming bangka na raw ang tumaob o lumubog, marami rin umano ang namatay na hindi maipaliwanag ang dahilan. Paniwala ng mga residente, namamahay sa lugar ang mga kampon ng kadiliman na siyang dahilan ng maraming aksidente. Ano ang misteryong bumabalot sa Puente de Diablo? May katotohanan kaya ang mga kuwento ng kababalaghan sa lugar o kathang-isip lamang na pinaniniwalaan ng ilang tao?
 
Huwag palampasin ang Halloween Special ng Imbestigador, Linggo, Nob. 3, 9:15 ng gabi pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.