ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Kawayan', ang misteryo sa pagkamatay ng isang binata, tampok sa 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.





KAWAYAN: ANG MISTERYO SA PAGKAMATAY NI JAYVEE VITUG
IMBESTIGADOR
APRIL 6, 2014


Idineklarang “dead on arrival” nang isugod sa ospital ang labing-pitong taong gulang na si Jayvee. Ang buong akala ng pamilya, nagapi ang binata ng sakit niyang hemophilia.
Pero habang nakaburol si Jayvee, may nadiskubre ang kaniyang pamilya. Sa pamamagitan ng status updates ni Jayvee sa social media, dalawang araw bago siya tuluyang bawian ng buhay, ilang makahulugang mensahe ang natuklasan.

Nahihilo, nanghihina, parang mamamatay na raw ang binata. Nakita rin ang sagot ng ilang kaibigan ng binata sa kaniyang posts – kinakamusta ang hita niya. Dahil sa mga nakita sa social media account ng binata, lalong tumindi ang pagdududa ng pamilya sa tunay na dahilan ng pagkamatay ni Jayvee. Ipina-autopsy ang kaniyang mga labi. Lumabas na internal hemorrhage ang ikinamatay niya at puno ng pasa ang likod ng binata. Gumulong ang imbestigasyon ng pulisya. Mula mismo sa bibig ng mga kaklase ng biktima, nabunyag ang tunay na nangyari at totoong dahilan ng pagkamatay ni Jayvee.

Sakit nga ba o “hazing” o may iba pang dahilan sa pagkasawi ng binatilyo? Sino ang mananagot sa krimen?

Gaganap sa special episode na ito sina Rocco Nacino, Ruru Madrid at Mikoy Morales.
 
Huwag palampasin ang buong paglalantad at malalimang paghimay ng Imbestigador sa kasong ito ngayong Linggo, April 6, 9:15 PM, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.