ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Love triangle' na nauwi sa pamamaslang, binusisi ng 'Imbestigador'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.



IMBESTIGADOR
MAY 18, 2014
"LOVE TRIANGLE"   

 
Isang pulis ang naging biktima ng insidente ng pamamaril at ang itinuturong suspek—isang pulis din. Anggulo ng “love triangle” ang tinitingnan ng pulisya na dahilan para patayin ng suspek ang biktima. Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dating magkasintahan na sina PO1 Jhon Michael Dimalanta at Mary Rose Aguilar. Pero noong araw ding iyon, nabaling ang away sa pagitan naman ni Dimalanta at isa pang pulis na si PO1 Rafael Espina na siya palang kasalakuyang kinakasama ni Mary Rose!
 
Sa pagganap ng mga aktor na sina RJ Padilla, Pancho Magno at Frances Ignacio, alamin ang kinahinatnan ng kasong kinasangkutan ng dalawang magkabaro.
 
Aksidente nga ba ang nangyari o sadyang pinatay ang biktima? Abangan ang "Imbestigador" ngayong Mayo 18, Linggo ng gabi pagkatapos ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
Tags: prstory