ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Bad si Sir' tampok sa 'Imbestigador'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ikalawang magulang ng mga mag-aaral ang turing sa mga guro. Pero paano kung ang mismong guro ang mang-aabuso sa iyong anak na araw-araw mong ipinagkatiwala sa kaniya?
Hindi inasahan ng class adviser na ang simpleng tanong niya sa kanyang mag-aaral na nasa ikalimang baitang sa elementarya, may nakagugulat na rebelasyong matutuklasan. Napansin ng titser ang sali-saliwang pagkabutones sa uniporme ng bata. At nang tanungin ang mag-aaral, walang patid na pagtangis ang kanyang naging tugon. Dinala siya sa guidance counsellor at dito ay isiniwalat ng batang mag-aaral ang isang lihim.
Walang-awa raw siyang itinali, hinipuan, hinubaran hanggang tuluyang gahasain sa loob ng eskuwelahan. At ang itinuturo niyang maysala – sariling titser din niya!

Sa natatanging pagganap ng batikang aktor na si Pen Medina at award-winning child actress na si Barbara Miguel, tunghayan ang isang kasong bumago sa buhay ng isang batang mag-aaral. Mapanagot kaya ang guro na umano’y nananalbahe sa batang mag-aaral.

Huwag palagpasin ang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk at bago mag-24 Oras Weekend.
Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Imbestigador sa Facebook at Twitter.
More Videos
Most Popular